Monday, August 29, 2016

Chikinini Nakakamatay


BOMBO BALITANG KAKAIBA
BINATILYO NAMATAY DAHIL SA 'LOVE BITE' NG GF
Namatay ang isang binatilyo makaraang ma-stroke na dulot umano ng love bite o chikinini ng kanyang girlfriend.
Ayon sa Mexican media ay inatake ng kombulsyon ang 17-anyos na si Julio Macias Gonzalez habang kumakain ng hapunan kasama ang kanyang pamilya.
Bagamat agad dumating ang mga paramedics para saklolohan ang binatilyo ay hindi na ito nasagip pa.
Pinaniniwalaan ng mga eksperto na namatay ito dahil sa blood clot na namuo dahil sa chikinini na umabot na sa kanyang utak dahilan ng kanyang pagkaka-stroke.
Matapos ang insidente ay hindi na nagpakita pa ang kanyang girlfriend na ngayon ang siyang sinisisi ng pamilya ng binata sa pagkamatay nito.
Taong 2011 ng isang 44-anyos na babae ang na-paralysed matapos ma-stroke sa kaparehas na insidente.
Hindi na niya naigalaw ang kanyang kaliwang braso matapos ang romantic encounter.
Nakarekober naman ang nasabing babae mula sa blood clot na sanhi ng chikinini. 
Unknown Web Developer

Morbi aliquam fringilla nisl. Pellentesque eleifend condimentum tellus, vel vulputate tortor malesuada sit amet. Aliquam vel vestibulum metus. Aenean ut mi aucto.

No comments:

Post a Comment